![]()
Nakasentro sa pagpapalakas ng suplay ng pagkain ang bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Thai Prime Minister Anutin Charnvirakul sa sidelines ng unang araw ng ASEAN Summit.
Tinalakay din ng dalawang lider kung paano madagdagan ang bilateral trade kasama na ang pagpapalakas sa ugnayan sa agrikultura.
Isa ang Thailand sa pinagmumulan ng inaangkat na bigas sa bansa.
Nagpalitan din ang dalawang pinuno ng pananaw sa mga kaganapan at mga pagbabago sa Asya, partikular sa mga kinakaharap na pandaigdigang hamon sa maraming bansa.
Kapwa naman nangako ang Pangulo at Prime Minister na babantayan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon sa pagsusulong ng kaunlaran sa ASEAN.
