dzme1530.ph

ASEAN AT CHINA, BIGONG MATAPOS ANG PAGBALANGKAS NG SOUTH CHINA SEA CODE OF CONDUCT

Loading

Bigo ang ASEAN at China na matapos ang negosasyon para sa long-delayed South China Sea Code of Conduct sa ilalim ng chairmanship ng Pilipinas.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro, umabot sa 80% ang draft ng provisional agreement subalit hindi ito natapos.

Dalawang dekada nang nabibinbin ang pagbuo ng ASEAN-China Code of Conduct sa South China Sea kaya’t nangako ang Pilipinas na sisikapin itong madaliin at matapos ngayong taon.

Ipinaliwanag ni Lazaro na may magkaibang pananaw ang ASEAN countries at China para sa binubuong Code of Conduct.

Nais anya ng Southeast Asian neighbors na nakabatay sa international law ang bubuuing Code of Conduct habang nanindigan ang Beijing na lawful at professional ang kanilang mga aksyon sa South China Sea.

About The Author