![]()
Inakusahan ni French President Emmanuel Macron ang foreign leaders na sinasamantala ang mga kaguluhan na sumiklab sa bansa noong Sabado para sa electoral purposes.
Bagaman walang pinangalanan, sinabi ni Macron na nangangampanya ang foreign leaders, “at France’s expense,” sa pamamagitan ng kanilang mga komento tungkol sa karahasan na sumiklab sa gitna ng cost-of-living protests.
Sa kanyang pagbisita sa Middle East, tinukoy ng French President ang mga ito bilang “leaders who are in campaign mode, whether here in the region or on the other side of the Atlantic.”
Isa itong malinaw na pasaring kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na sasabak sa parliamentary elections sa susunod na linggo, at kay US President Donald Trump, na ang midterm elections ay sa susunod na buwan.
Idinagdag ni Macron na ang mga hindi pinangalanang leaders ay naimpluwensyahan ng fake videos na AI-generated tungkol sa riots.
