dzme1530.ph

PHILIPPINE CONSULATE SA MILAN, PINAG-IINGAT ANG MGA PINOY SA GITNA NG MGA RIOT SA NORTHERN ITALY

Loading

Pinaalalahanan ng Philippine Consulate General sa Milan ang mga Pinoy migrants sa Northern Italy na magpatupad ng ibayong pag-iingat sa gitna ng mga nagaganap na riot.

Kasunod ito ng mga marahas na protesta sa Milan, Bologna, Turin at Bergamo.

Sa advisory ng konsulada, pinapayuhan ang mga Pinoy na umiwas muna sa mga malalaking grupo, mga protest areas at iba pang major city squares, partikular tuwing gabi.

Hinihimok din ang mga Pinoy na agad ipaalam sa consulate kapag may impormasyon kaugnay sa mga naapektuhang Filipino sa mga protesta.

Sa impormasyon, nagsimula ang mapayapang protesta bilang panawagan para sa labor reforms subalit ginulo ng mga nakamaskarang indibidwal na naghagis ng kung anu-anong bagay sa riot police.

Kabilang umano sa mga nagprotesta ay kabataan na nananawagan na ibaba ang cost of living at mapunta ang budget sa healthcare at education services.

About The Author