dzme1530.ph

MGA OFW SA FRANCE, SAUDI , AT ISRAEL, PINAG-IINGAT

Loading

PINAG-IINGAT ni Senate Foreign Relations Committee Vice Chairman Senator Erwin Tulfo ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nasa bansang France, Saudi Arabia at Israel dahil sa mga kaguluhan sa mga nasabing lugar.
 
Pinayuhan ng senador ang mga kababayan natin sna umiwas sa mga kilos-protesta ng mga estudyante at manggagawa sa France partikular na sa Paris.
 
Sa mga nasa Saudi naman, pinapayuhan ang mga Pinoy na maging mapagmanman at makinig sa mga balita bago pumasok sa trabaho dahil bigla na lang binobomba ng Iran at kaalyado nitong mga Houthis ang naturang bansa tulad ng nangyari sa King Khalid airport sa Riyadh kung saan pitong OFWs ang nasugatan.
 
Pinag-iingat din ni Tulfo ang mga OFW sa Israel na hangga’t maaari umiwas na magtungo sa West Bank dahil sa pag-atake umano ng ilang Israeli settlers na mga nakamaskara sa ilang foreigners.
 
Hinimok din ng senador ang lahat ng Pilipino na ipagdasal ang kaligtasan ng lahat ng mga OFW at ng kanilang mga naiwang pamilya sa bansa.

About The Author