![]()
Nagpatupad ng mas mahigpit na seguridad ang Ateneo de Zamboanga University sa gitna ng banta ng karahasan.
Sa pahayag ng ADZU Grade School Department, nauunawaan nila ang takot at anxiety dulot ng kumakalat na mga mensahe kaugnay sa mga banta ng karahasan ngayong araw na ito.
Tiniyak ng unibersidad na sineseryoso nila ang mga report bagama’t batay sa kanilang verified information, walang malinaw na pagbabanta na natukoy.
Nakikipag-ugnayan na rin ang ADZU sa Philippine National Police para sa patuloy na beripikasyon at kaukulang aksyon.
Kabilang sa ipinatutupad na security measures ang mas mahigpit na entry screening, paggamit ng metal detectors, X-ray baggage inspection at controlled access.
Naglagay na rin ng dagdag na perimeter security at itinaas ang bilang ng roving security personnel.
