dzme1530.ph

K TO 12 PROGRAM, DAPAT REPASUHIN KUNG DAPAT PANG IPAGPATULOY

Loading

Iginiit ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa Department of Education na puspusang repasuhin ang implementasyon ng K to 12 program.

Sinabi ni Cayetano na dapat tukuyin ng pamahalaan kung sasapat pa ang pondo ng gobyerno sa pagpapatupad ng programa at matiyak ang kalidad ng edukasyon sa dalawang taong idinagdag sa basic education.

Hiniling ni Cayetano kay Education Secretary Sonny Angara na ipaimbentaryo ang mga eskwelahan upang makita kung sapat ang mga classrooms, may klinika, guidance counselor, covered court, music room at iba pang dapat basic sa mga pampublikong paaralan.

Kailangan anyang dagdagan ng ₱200 billion hanggang ₱500 billion ang budget ng edukasyon na kwestyon kung saan kukunin.

Una na ring isinulong ni Cayetano na ibalik sa K to 10 o Kinder hanggang Grade 6 at apat na taon sa high school.

Kung tatanggalin na anya ang dalawang taon sa high school ay magagamit ang pondo sa ibang programa para maitaas ang kalidad ng edukasyon.

About The Author