dzme1530.ph

CLAUDINE BARRETTO, IDEDEMANDA NG CYBERLIBEL SI CRISTY FERMIN SA NBI

Loading

Kakasuhan ni Claudine Barretto ng cyberlibel sa National Bureau of Investigation (NBI) ang veteran talk show host na si Cristy Fermin at co-host nito na si Rommel Villamor a.k.a. Rommel Chika.

Isasampa ni Claudine ang kaso laban kay Manay Cristy sa NBI bukas, Oct. 20.

Nag-ugat ito nang sabihin umano ng veteran talk show host na mayroong bipolar disorder ang aktres, binubuhay lamang ng kapatid na si Gretchen Barretto, at nagpa-ospital para magparetoke.

Sinabi ni Claudine na ilang beses siyang nakiusap kay Manay Cristy na tantanan na siya subalit hindi pa rin ito tumigil kaya itutuloy na niya ang pagsasampa ng kaso.

Sagot naman ni Manay Cristy, subukan ni Claudine na idemanda siya. Marami aniyang ginawang kalokohan ang aktres na puwedeng lumabas kapag ginawa nito ang banta.

Idinagdag pa ni Manay Cristy na magkita na lang sila ni Claudine sa korte.

About The Author