![]()
Nagtataka si House prosecution panel adviser at spokesperson Robert Ace Barbers sa timing ng panibagong probokasyon ng Beijing sa WPS at impeachment ni VP Sara.
Ayon kay Barbers, dapat pag-aralan mabuti ng pamahalaan kung sinasamantala ng China ang domestic political tension para isulong ang kanilang strategic interests.
Babala nito, habang abala ang bansa sa internal political battle, posibleng mawala sa focus ang gobyerno sa external threats.
Dagdag pa ni Barbers, magbe-benefit ang China kapag lumalim pa ang pagkakahati-hati ng mga Pilipino dahil sa impeachment, na sasabayan din ng gulo sa WPS.
Dahil diyan, umapela ang dating kinatawan ng Surigao del Norte sa lahat ng Pilipino, anuman ang political allegiance, na maging mapagbantay sa posibleng pagsasamantala ng dayuhang puwersa upang lalong paguluhin ang bansa.
