![]()
Iminungkahi ni Las Piñas City Rep. Mark Anthony Santos ang pagbuo ng National Anti-Illegal Drug Task Force matapos ang aborted shipment ng ₱3.5-B shabu mula Laos.
Sa sulat ni Santos, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, kay Interior Sec. Jonvic Remulla, inendorso nito ang PDEA na humingi ng executive order o EO para maitatag ang task force (TF).
Layunin ng task force na paigtingin pa lalo ang kampanya ng pamahalaan kontra illegal drugs.
Ang task force ay dapat aniyang tugma sa anti-illegal drugs campaign ni PBBM, kasabay ng pagdidiin sa whole-of-gov’t, balansyado, at evidence-based approach sa paglutas sa drug problem ng bansa.
Naniniwala si Santos na ang technical inputs ng DILG ay mahalaga para sa malinaw na mandato, epektibong operational structure, well-defined responsibilities, at workable mechanism para sa koordinasyon at accountability.
