dzme1530.ph

NET INCOME NG BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS, NAITALA SA RECORD HIGH SA UNANG PITONG BUWAN NG 2026

Loading

Naitala sa record high ang net income ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) simula Enero hanggang Hulyo, bunsod ng matatag na gains mula sa foreign exchange (forex) swings at mas mababang expenses.

Sa preliminary data, nakapagtala ang BSP ng net profit na ₱170.2 billion sa unang pitong buwan ng taon na mahigit doble o 114.9% na mas mataas kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Batay sa datos na naka-post sa kanilang website, ito ang highest net income ng central bank sa ngayon.

Tumaas ang revenues ng BSP ng 1.9% simula Enero hanggang Hulyo kumpara sa ₱166.8 billion na naitala sa kaparehong panahon 2025.

Malaking bahagi ng revenues ay mula interest income na tumaas ng 6.13% o sa ₱150.7 billion mula sa ₱142 billion.

About The Author