![]()
Sa kabila ng naghahanda na para sa kasal, nasorpresa pa rin ang actress-dancer na si Dawn Chang sa formal marriage proposal ng kanyang long-time boyfriend na si NAPOLCOM Commissioner Ralph Calinisan.
Ginawa ni Calinisan ang proposal sa Saturday episode ng isang reality game show, kung saan nagsilbing celebrity player si Chang.
Bago nagsimula ang game ay tinawag ng show host na si Luis Manzano si Calinisan para tanungin ang aktres ng “important question.”
Pagkatapos itanong ng NAPOLCOM chief ang “Will you marry me, Dawn?,” agad naman itong sinagot ng aktres ng “Yes!”
Inamin ni Calinisan na pakiramdam niya ay nagkukulang siya sa kanilang relasyon dahil masyado siyang nakatutok sa kanyang trabaho at naisantabi niya ang proposal.
Nagpasalamat naman si Dawn sa kasintahan sa pagsasabing, “Thank you for finally asking me.”
Nakatakdang ikasal ang dalawa sa Disyembre ngayong taon.
