![]()
Itinaboy ng Philippine Coast Guard (PCG) ang unauthorized foreign fishing vessel mula sa katubigan ng Kota Island na bahagi ng Kalayaan Group of Islands malapit sa Palawan.
Ayon sa PCG, naispatan nila kahapon ng umaga ang foreign vessel, approximately 1.75 miles north-northwest ng isla, sa loob ng 12-nautical-mile territorial sea ng Pilipinas.
Mabilis na tinungo ng high-speed response boat ng PCG ang lugar para tulungan ang dalawang rubber boats na nauna nang nagtataboy sa dayuhang fishing vessel.
Ilang ulit ding niradyuhan ng Pilipinas ang foreign vessel at direktang inatasan na lisanin ang territorial sea ng Kota Island hanggang sa tuluyang maitaboy ang dayuhang barko.
