dzme1530.ph

DEPED, PINALALAKAS ANG MGA OPERATIONAL PROTOCOLS PARA SA PAGTUGON NG EDUCATION SECTOR SA EL NIÑO

Loading

Pinalalakas ng Department of Education ang operational protocols upang matulungan ang mga paaralan na makatugon sa posibleng epekto ng El Niño sa education sector.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, kasama sa kanilang ginagawa ngayon ay ang patuloy na risk assessments, pag-update ng contingency plans at paghahanda sa flexible learning options.

Ito ay upang maprotektahan ang mga estudyante, guro at DepEd personnel kasabay ng pagtiyak sa tuloy-tuloy na pagkatuto.

Pinalalakas din aniya nila ang climate change education alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa climate resilience.

Inatasan na rin aniya ang mga tauhan ng DepEd na isama ang climate change concepts sa basic education curriculum at learning competencies.

Inatasan din ni Angara ang administrasyon ng mga paaralan na bigyang prayoridad ang pagkakaroon ng water, sanitation and hygiene facilities at tiyaking may maayos na drinking water.

Bukod pa ito sa pagsasaayos ng classroom ventilation sa pagsapit ng mas mainit na panahon.

About The Author