dzme1530.ph

DTI, TINIYAK NA MAY SAPAT NA SUPLAY NG BOTTLED WATER

Loading

Tiniyak ng Department of Trade and Industry na may sapat na suplay ng bottled water ang bansa sa gitna ng inaasahang epekto ng El Niño.

Pinagsabihan ng DTI ang publiko na hindi kailangang mag-hoard o magtago ng mga bottled water.

Nangako rin ang ahensya na paiigtingin nila ang monitoring at koordinasyon sa mga manufacturer at distributors upang matiyak ang stable na suplay.

Binigyang-diin din ng DTI na tutugunan nila ang mga reklamo sa overpricing ng plastic drums, water containers at iba pang kahalintulad na produkto.

Pinaalalahanan din ng ahensya ang mga nagbebenta na maging responsable at iwasan ang pang-aabuso sa sitwasyon.

Iginiit ng DTI na mahaharap sa posibleng parusa gaya ng multa ang mga mapatutunayang umaabuso sa presyo.

About The Author