![]()
Tiniyak ng Malacañang na sapat ang pondo ng gobyerno para sa paghahanda sa epekto ng El Niño.
Ayon kay Palace Press Officer, Atty. Claire Castro, mayroong pang ₱6.2 billion ang gobyerno na maaaring gamitin ng Department of Agriculture para sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng El Niño at kasalukuyang energy pressure.
Mayroon din aniyang ₱38.83 billion na nakalaan sa NDRRM Fund na maaaring magamit sa mga kaganapan na may kinalaman sa El Niño.
Sinabi ni Castro na daragdagan ang pondo sa susunod na taon ng ₱45.67 billion bukod pa sa Quick Response Fund ng frontline agencies kasama na ang National Food Authority at National Irrigation Administration.
