dzme1530.ph

ILANG PINOY NA NAAPEKTUHAN NG AKSIDENTE SA BUS SA GERMANY, NA-DISCHARGE NA SA OSPITAL AT PINAYAGAN NG BUMIYAHE

Loading

Inihayag ng Philippine Consulate General sa Frankfurt (PCG Frankfurt) na na-discharge sa ospital at pinayagan nang makabalik sa Milan, Italy ang karamihan sa mga Pinoy na naapektuhan ng aksidente sa bus sa A96 malapit sa Buchloe, Bavaria.

Nasa Munich, Germany si Consul General Marie Yvette Banzon Abalos at kanyang team, kasama ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Rapid Response Team, sa pangunguna ni Administrator Py Caunan at Philippine Honorary Consul in Munich Dr. Stefan Detig, para sa koordinasyon ng tulong na ibibigay sa mga naapektuhang Pinoy at kanilang mga pamilya.

Sinabi ng PCG Frankfurt na may ilan pang Pilipino na nananatili pa rin sa mga pagamutan bunsod ng serious injuries.

Patuloy anila ang koordinasyon ng team sa mga ospital at relevant German authorities upang mamonitor ang kondisyon ng mga Pinoy at maibigay ang nararapat na assistance.

Nagpaabot din ang PCG Frankfurt ng labis na pasasalamat sa mga miyembro ng Filipino community na tumulong at sumuporta sa mga kapwa Pinoy sa panahon ng pagsubok.

About The Author