dzme1530.ph

KAPITAN NG NASUNOG NA MV JUNE ASTER, KINASUHAN NG FALSIFICATION OF DOCUMENTS NG PCG SA DOJ

Loading

Naghain ng kasong falsification of documents ang Philippine Coast Guard (PCG) laban sa kapitan ng nasunog na MV June Aster kung saan 77 katao ang nasawi.

Inihain ang reklamo sa National Prosecution Service ng Department of Justice sa Lungsod ng Maynila.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, nag-ugat ang reklamo sa mga dokumentong isinumite bilang bahagi ng Master’s Declaration of Safe Departure kung saan nakadeklara ang bilang ng mga sakay ng barko.

Sinabi ni Cayabyab na may mga nakita silang mali-mali sa mga dokumentong isinumite kasama na ang double entry ng mga pangalan ng pasahero.

Inihahanda na rin ng PCG ang iba pang kasong kriminal batay sa mga ebidensyang patuloy pa nilang kinakalap.

About The Author