dzme1530.ph

DATING AIDE NI VELASCO, ITINURO SI QUIMBO NA ISA SA NAGHATID NG PERA MULA SA MGA DISCAYA SA DATING SPEAKER

Loading

Iniugnay ng isang dating pulis si Marikina 2nd District Rep. Miro Quimbo sa paghatid ng pera kay noo’y House Speaker Lord Allan Velasco mula sa kontrobersyal na contractors na sina Curlee at Sarah Discaya.

Sa kanyang sinumpaang salaysay, tinukoy ng dating pulis na si Rodulfo Gracioso Jr. na nagsilbing security aide ni Velasco, si Quimbo bilang isa sa mga personalidad na pinagmulan ng cash delivery.

Idinetalye nito ang ilang pagkakataon na aniya’y nagpapakita ng pagkakasangkot ng mambabatas sa paghawak at pagdadala ng perang nagmula sa mga contractor ng flood control.

Sinabi ni Gracioso na mas naging madalas ang mga cash delivery sa bahay ni Velasco sa Valle Verde 2 matapos itong maging speaker noong October 2020.

Iginiit niya na nakita rin niyang pumasok si Engr. Henry Alcantara sa bahay ni noo’y Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co sa Valle Verde 6 habang kumukuha sila ng pera mula sa mambabatas.

Ayon kay Gracioso, direktang narinig niya si Quimbo sa isang pagkikita sa Starbucks branch sa Katipunan, na ang perang inihatid ay nagmula sa mag-asawang Discaya at iba pang contractors.

About The Author