dzme1530.ph

SENATE IMPEACHMENT COURT, PINATAWAN NG STERN WARNING SI HOUSE PROSECUTOR TERRY RIDON SA NAGING PAGLABAG SA SUB JUDICE RULE

Loading

Stern warning ang ipinataw ng Senate Impeachment Court laban kay House Prosecutor Terry Ridon kaugnay sa naging paglabag sa sub judice rule hinggil sa mga naging komento sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Pinaboran ng korte ang naging paliwanag ni Ridon na in good faith ang kanyang naging mga komento sa merito ng kaso at sa huli ay ipinauubaya pa rin sa senator judges ang pag-evaluate sa mga ebidensya.

Sa ruling ng korte, pinagsabihan ang mambabatas na mag-ingat sa mga susunod na pahayag upang hindi matalakay ang merito ng kaso sa labas ng Impeachment Court.

Nangako naman si Ridon na susundin ang ruling ng korte at pinasalamatan ang konsiderasyong ipinagkaloob sa kanya.

About The Author