![]()
Inoobserbahan pa ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang mga pagbubunyag ng dating pulis na si Rodulfo Gracioso Jr. na nagpakilalang nagtrabaho kay former Speaker Lord Allan Velasco.
Sinabi ni Remulla kailangang masubukan ng husto si Gracioso sa mga tanong na matindi para malaman kung totoo ang mga isiniwalat nito.
Aniya, hindi naman maaaring basta lang nila lunukin ang lahat ng mga ibinunyag ng dating pulis.
Idinagdag ni Remulla na sa tingin niya ay makakarating din naman ito sa kanyang opisina subalit hangga’t hindi pa ito nangyayari ay patuloy siyang magbabantay.
Kung mayroon man aniyang pag-iimbestiga ang Office of the Ombudsman hinggil dito ay gagawin nila ito sa tamang panahon.
