dzme1530.ph

PHILIPPINE AUTOMOTIVE SALES, BUMABA NOONG AGOSTO; MGA BUMILI NG ELECTRIC VEHICLES, NADAGDAGAN

Loading

Bumagsak ang overall vehicle sales noong Agosto bunsod ng hindi magandang kondisyon ng panahon, subalit tumaas ang share ng electric vehicles, batay sa joint report ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) at Truck Manufacturers Association (TMA).
 
Batay sa tala, mayroong 29,611 vehicles na naibenta noong Agosto, mas mababa ng 20.7% mula sa 37,319 noong Hulyo.
 
Sinabi ni CAMPI President Jose Maria Atienza na positibo pa rin sila na makakabawi ang vehicle sales sa mga susunod na buwan hanggang sa matapos ang taon.
 
Majority o 77.09% ng sales na katumbas ng 22,827 units para sa naturang buwan ay commercial vehicles habang ang natitirang 22.91% o 6,784 units ay passenger car sales.
 
Samantala, mayroon namang 7.066 electric vehicles na naibenta noong Agosto na katumbas ng 23.86% ng kabuuang sales para sa naturang buwan.
 
Mas mataas ito kumpara sa 18.99% na market share noong July, kung saan 7,089 units ang naibenta.

About The Author