dzme1530.ph

POLITIKO SA DR CONGO, NASAWI SA PAMBUBUGBOG MATAPOS IPANAWAGAN ANG EBOLA PREVENTION SA RADYO

Loading

Isang senior member ng ruling party ng Congo ang nasawi matapos makibahagi sa isang radio program upang itaas ang kamalayan tungkol sa Ebola outbreak, ayon sa isang kinatawan ng partido.
 
Nangyari ang insidente noong Linggo sa Butembo, North Kivu Province, na kamakailan ay naging hotspot sa ongoing Ebola outbreak.
 
Ayon sa UPDS Federation sa Butembo, inatake ng mga residente si Marie-Celestin Karondwa, acting president ng Federal Executive Committee ng UPDS Party at party spokesperson, matapos lumabas sa isang radio show dahil sa pagsusulong ng Ebola prevention measures.
 
Sinabi ng partido na binugbog si Karondwa ng mga attacker, ninakaw ang kanyang mga gamit at sinunog ang kanyang bahay.
 
Hindi pa malinaw kung sino ang mga gumawa ng pag-atake at ilan ang sangkot, pati na ang motibo sa krimen.

About The Author