![]()
Sa kabila ng pag-ulan, binagong schedule, at posibleng WTA fine, nanatiling nakatutok si Filipina tennis sensation Alex Eala na masungkit ang gintong medalya sa nagpapatuloy na 2026 Asian Games.
Target ng World No. 18 Pinay tennis star na maiuwi ngayon ang gold medal na hindi niya nakuha sa nakaraang edisyon, kung saan nag-settle siya sa bronze matapos ang semifinals loss sa eventual champion na si Zheng Qinwen ng China.
Sinimulan ni Eala ang kanyang kampanya sa Asian Games “on a high note,” matapos durugin ang pambato ng Thailand sa score na 6-1, 6-0, sa second round ng women’s single tournament para makausad sa quarter finals.
Makakasagupa naman ng Pinay tennis ace si Joanna Garland ng Chinese Taipei sa susunod na round.
