dzme1530.ph

PRESYO NG MGA PRODUKTONG PETROLYO, MULING MAGTATAAS

Loading

Matapos ang katiting na rollback noong nakaraang linggo, muling magtataas ang presyo ng produktong petrolyo epektibo bukas.

Ayon sa Department of Energy, 5.18 pesos ang idaragdag sa presyo ng bawat litro ng diesel; 4.69 pesos sa kada litro ng gasolina at 5.58 pesos ang bawat litro ng kerosene.

May kinalaman pa rin ito sa patuloy na tensyon sa Middle East at pagbagsak ng halaga ng piso kontra dolyar.

Nitong Linggo ay ibinabala ng top negotiator ng Iran ang forceful response laban sa anumang pag-atake ng Estados Unidos matapos na rin nilang targetin ang American warships.

About The Author