![]()
Dalawang district engineers sa lalawigan ng Pampanga ang sinibak sa puwesto ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon.
Ito ay dahil sa kabiguang maipatupad ang mga kinakailangang road safety measures sa isang highway sa Angeles City.
Kinilala ang mga pinatawan ng relief order, sina Pampanga 3rd District Engineer Office OIC District Engineer Aser Mallari at OIC Assistant District Engineer Augustin Dagsaan Jr.
Ito ay kasunod ng insidente ng pagkamatay ng isang lalaki na nahulog sa bukas na drainage canal.
Kinilala ang biktima na si Reiner Novero na nahulog sa binahang bukas na drainage canal sa Fil-Am Friendship Highway, Barangay Cutcut, Angeles City.
Inatasan din ni Dizon ang dalawang opisyal na ayusin at i-turn over ang mga nakabinbing dokumento at gawain upang hindi maantala ang serbisyo publiko.
