![]()
Posibleng makaranas ng brownouts sa Visayas dahil sa pagpapatupad ng red and yellow alerts ngayong araw ng Lunes.
Sa advisory ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, ipatutupad ang red alert sa Visayas Grid mula 6 p.m. hanggang 7 p.m.
Isasailalim naman ito sa yellow alert mula 3 p.m. hanggang 6 p.m. at 7 p.m. hanggang 9 p.m.
Ito ay bunsod pa rin ng forced outages ng ilang planta na nakakaapekto sa Visayas Grid.
