![]()
Kabuuang 12,029 examinees ang sumalang sa unang araw ng 2026 Bar Examinations, kahapon.
Ayon sa Supreme Court, ang mga kumuha ng pagsusulit ay ipinakalat sa labinlimang local testing centers sa buong bansa.
Nakapagtala ang University sa San Jose-Recoletos ng pinakamataas na bilang ng examinees na nasa 1,326; sinundan ito ng New Era University, 1,277; San Beda University, 1,151; Ateneo de Davao, 1,144; at Saint Louis University, 1,132.
Sa mga kumuha ng Bar Exams sa unang araw, 45.9% ay first-time takers, 29.5% ay previous takers, at 24.6% ay refreshers.
Ang 2026 Bar Examinations ay itinakda ng Sep. 6, 9, at 13 sa pitong testing centers sa Metro Manila, tatlo sa Luzon, tatlo sa Visayas, at dalawa sa Mindanao.
