dzme1530.ph

ELECTION PARAPHERNALIA PARA SA BARMM ELECTIONS, NAIPADALA NA LAHAT, AYON SA COMELEC

Loading

Naipadala na ang lahat ng election paraphernalia para sa kauna-unahang parliamentary election sa Bangsamoro Autonomous in Muslim Mindanao (BARMM), sa lahat ng kanilang local hubs.

Kinumpirma ito ni COMELEC Chairman George Garcia, isang linggo bago ang naturang halalan sa Sep. 14, 2026.

Idinagdag ni Garcia na idi-deliver ng COMELEC personnel ang elections materials mula sa kanilang local hubs patungo sa 105 municipalities at dalawang siyudad sa BARMM bago sumapit ang Sep. 8.

Magsasagawa naman ang poll body ng final testing and sealing ng automated counting machines sa Sep. 12.

Sa kasalukuyan ay mayroong 2.393 million registered voters sa BARMM.

About The Author