dzme1530.ph

DEATH TOLL SA MGA BAGYO AT HABAGAT, SUMAMPA NA SA 43

Loading

Umabot na sa apatnapu’t tatlong indibidwal ang nasawi sa pinagsamang epekto ng habagat at mga bagyong Maymay, Neneng, at Pilandok.

Batay sa pinakahuling update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), karamihan sa mga nasawi ay bunsod ng landslide at pagkalunod.

Mayroon ding mga nakuryente at nabagsakan ng mga nabuwal na puno.

Sa tala, labinlima ang nasawi sa Benguet, isa sa La Union, tatlo sa Pangasinan, tatlo sa Zambales, dalawa sa Pampanga, anim sa Rizal, apat sa Batangas, dalawa sa Quezon, isa sa Oriental Mindoro, dalawa sa Occidental Mindoro, isa sa Negros Occidental, at tatlo sa Caloocan.

Samantala, dalawampu ang naiulat na nasugatan mula sa Ilocos Sur, Benguet, Abra, Quezon City, Rizal, at Cavite.

Mayroon ding limang indibidwal na naiulat na nawawala mula sa Quezon City, Maynila, Batangas, Rizal, at Pampanga.

About The Author