![]()
Nakumpleto na ng Metropolitan Manila Development Authority at NLEX Corporation ang flood-defense works sa San Simon, Pampanga.
Saklaw ng flood-defense works ang shoulder impounding and lining sa San Simon at Tulaoc.
Gayundin ang patuloy na flood barrier lines sa kahabaan ng apektadong lugar at high-capacity pumps.
Nagpadala na rin ang MMDA ng equipment sa labas ng kanilang hurisdiksyon sa Pampanga kasama ang kanilang crew kasama ang NLEX teams.
Ito ay upang iposisyon ang pump unit sa Kilometer 56 marker kasama na ang suction line sa guardrail upang alisin ang tubig.
Maglalagay din ng L-type interlocking flood barriers, mga sandbags at modular mesh-and-liner barrier units.
