![]()
Nagpaabot ng pasasalamat kay Pang. Bongbong Marcos Jr. si Albay 3rd Dist. Raymond Adrian Salceda, sa paglagda upang ganap na maging batas ang Republic Act No. 12325.
Ang RA No. 12325 ay nagpapalawak sa Tertiary Education Subsidy (TES) para mabigyan ng malawak na educational opportunities ang mga financially disadvantaged Filipino students.
Aniya, sa paglagda ng Pangulo, nakita ang pagiging pro-poor, pro-student at pro-education nito.
Ang tulong na ito sa mga estudyante ay nagbubukas sa pag-asa at paglikha ng oportunidad sa kabataan at pamilyang Pilipino.
Ayon pa kay Salceda, ang repormang ito sa edukasyon ay solusyon sa aniya “biggest barriers” na hinaharap ng low-income students, na academically qualified na makapag-tapos sa pag-aaral sa kolehiyo.
Ang TES ay kabilang sa LEDAC priorities ng administrasyon.
