![]()
HINDI nakatiis si Senador Erwin Tulfo at agad na sinita ang pagpapakita ng testigong si Gina Acosta, dating special disbursement officer ni Vice President Sara Duterte, sa pagpilit na nahihirapan siyang magsalita ng purong Tagalog.
Sa ika-16 na araw ng impeachment trial, hiniling ni Tulfo kay Impeachment Court Presiding Officer Francis Chiz Escudero na obligahin si Acosta na sumagot sa Tagalog o English.
Iginiit ni Tulfo na sa imbestigasyon noon sa Kamara, batay sa transcript na nakuha nila, ay kayang-kayang magsalita ng Tagalog ni Acosta.
Una rito, hiniling ni Acosta na payagan siyang makapagsalita ng Bisaya, Tagalog at English sa pagsagot sa mga tanong.
May punto pa sa trial na paulit-ulit na hiniling ni Acosta ang tanong ni Atty. Armando Virgil Ligutan dahil hindi niya nauunawaan.
Kaya tumayo rin si Senator Judge Juan Miguel Migz Zubiri at hiniling na i-interpret sa Bisaya ang mga tanong.
Sa pag-alma ni Tulfo, iginiit na tigilan ni Acosta ang panloloko dahil nakakaunawa at nakakapagsalita siya ng Tagalog.
