![]()
Tumagal lamang ng ilang minuto sa witness stand si Marivic Pareja, ang director ng HOR Legislative Archive.
Si House Public Prosecutor Lordan Suan ang nagpresenta kay Pareja at siya rin ang nagbasa ng mga dokumentong hiniling ng prosecution na isumite sa impeachment court.
Ang mga dokumento ay bahagi ng judicial notice na hiniling ng mga tagausig.
Gayunman, lahat ng dapat nitong patotohanan sa korte ay inistipulate ng defense counsel na si Atty. Lyndon Baquel.
Dahil dito, hindi na pinatagal ni Presiding Judge Sen. Chiz Escudero ang witness at agad na itong dinismiss.
