dzme1530.ph

BAIL HEARING AT ACTUAL TRIAL SA KASONG PLUNDER LABAN KAY SEN RODANTE MARCOLETA, ITINAKDA NA NG SANDIGANBAYAN

Loading

Itinakda na ng Sandiganbayan Third Division ang bail hearing sa kasong plunder ni Senador Rodante Marcoleta sa September 3.
 
Matapos ang bail hearings, sisimulan naman ang pagdinig sa kasong plunder ng senador sa October 8.
 
Kanina ay sumalang sa pagpapatuloy ng pretrial si Marcoleta, gayundin si dating Cong. Mike Defensor at dalawa pang negosyanteng kasama sa kanilang kaso.
 
Nag-ugat ang kaso sa pagtanggap ni Marcoleta ng 75 million campaign funds sa kanyang kandidatura bilang senador noong 2025 elections.

About The Author