dzme1530.ph

PAGTALAKAY SA PAX SILICA PROJECT, SINIMULAN NA NG SENADO

Loading

Sinimulan na ng Senado ang pagsusuri sa isinusulong na Pax Silica Project sa Tarlac.

Pinangunahan ni Senate Committee on Environment and Natural Resources Chairman Raffy Tulfo ang hearing kaugnay sa proyekto.

Sa kanyang opening statement, sinabi ni Tulfo na nais nilang matalakay ang iba’t ibang mga concerns na ibinabato sa Pax Silica.

Idinagdag ng senador na nais nilang marinig mula sa mga ahensya ng pamahalaan ang kanilang mga aksyon upang maiwasan ang anumang disaster sa proyekto.

Nilinaw ng mambabatas na hindi sila tumututol sa economic progress para sa bansa at sa mamamayan, subalit dapat mabusisi ang epekto nito sa local ecosystems, water and energy consumption, waste management, at paano ito makakaapekto sa mga komunidad sa paligid ng itatayong Pax Silica Data Center.

About The Author