dzme1530.ph

DOH KYUNG-SOO NG EXO, BALIK PILIPINAS SA ENERO SA SUSUNOD NA TAON PARA SA CONCERT

Loading

Babalik sa Pilipinas ang South Korean singer na si Doh Kyung-soo, na kilala rin bilang D.O. ng boy band na EXO, sa January 2027 para sa solo concert, wala pang isang taon simula nang huli siyang mag-perform sa bansa.
 
Inanunsyo ng local promoter na Wilbros Live na kabilang ang Manila sa stops ng upcoming concert tour ni Kyung-soo na “Day Off.”
 
Gaganapin ang Manila stop sa Araneta Coliseum sa January 23, batay sa social media post ng Wilbros.
 
Magsisimula ang tour sa Seoul, South Korea sa Oktubre bago ito ituloy sa iba pang Asian stops hanggang sa unang bahagi ng 2027.
 
Huling bumisita sa bansa si Kyung-soo noong Hulyo, kung saan nag-perform siya kasama ang kapwa EXO members sa Manila stop ng “EXO Planet #6 – EXHORIZON” concert tour.

About The Author