![]()
Isinisi ng EcoWaste Coalition sa hindi maayos na pagpapatupad ng solid waste management ang patuloy na problema ng bansa sa basura na isa sa dahilan ng pagbaha sa maraming bahagi ng bansa.
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni EcoWaste Coalition Zero Waste Campaigner Jove Benosa na dapat regular na ipinapatupad ang mga programa sa pagtatapon ng basura at hindi lamang naaalala kapag may mga kalamidad.
Nanawagan si Benosa sa bawat isa na dapat simulan ang disiplina sa pagtatapon ng basura sa sarili bilang pagtulong sa gobyerno.
