dzme1530.ph

SIDE COMMENTS NG ILANG ABOGADO SA IMPEACHMENT COURT, IGINIIT NA IPAGBAWAL

Loading

HINILING ni Atty. Kristine Ferrer ng defense team kay Impeachment Court presiding officer Chiz Escudero na huwag payagan ang mga side comments o hindi magagandang pahayag laban sa ibang abogado.
 
Sa pagbabalik ng trial ngayong hapon, tinukoy ni Ferrer ang pahayag sa media ni Atty. Lorna Kapunan ng prosecution team kung saan sinabi na papaluin o lelecturan siya nito.
 
Iginiit ni Ferrer na walang lugar sa courtroom ang ganitong mga pahayag sabay ng apela kay Kapunan na igalang din ang mga kapwa abogado sa kabila ng edad at tagal nila sa propesyon.
 
Nangako naman si Kapunan sa harap ng korte na magbe-behave na matapos bawiin ang nasabing hindi magandang remarks.
 
Ilang beses na nagkasagutan sa trial ang dalawang abogado at ilang beses na nag-object si Kapunan sa cross-examination ni Ferrer dahil sa paggamit ng depensa ng dokumento o acknowledgment receipts na hindi dumaan sa stipulation na pinagbatayan ng kanilang cross-exam sa testigong si COA-ICFAO State Auditor Xylene del Campo.

About The Author