![]()
May mga talaan din ng proyektong isinumite sina Senador Robin Padilla at Senador Christopher Bong Go sa Department of Public Works and Highways o DPWH para sa 2025 National Budget.
Ito ang kinumpirma ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan sa pagharap sa Sandiganbayan 3rd Division kaugnay sa kasong plunder ni dating Ramon Bong Revilla Jr.
Sinabi ni Bonoan na ang listahan ng mga proyekto ay isinumite ng mga senador kay dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na ipinasa naman sa kanya bilang siya ang kalihim noon ng ahensya.
Kasabay nito, kinumpirma ni Bonoan na lahat ng senador na bumalangkas ng 2025 budget ay may leadership fund.
Sa pagtatanong naman ni Associate Justice Ronald Moreno, sinabi ni Bonoan na hindi kasama sa mga mambabatas na may leadership fund si Senador Panfilo Lacson.
Si Lacson ang nanawagan para sa total abolition ng leadership fund na tinawag niyang bagong uri ng pork barrel system.
