![]()
Aabot sa tatlong daang tonelada ng basura ang nahakot mula sa Baclaran Estero sa Parañaque City, kasunod ng tuloy-tuloy na malakas na pag-ulan na naging dahilan para anurin at maipon ang mga basura sa naturang daluyan ng tubig.
Ayon sa mga awtoridad, dalawang araw na silang naghahakot ng mga basura at nakapuno na sila ng mahigit limampung truck.
Gumagamit ang mga awtoridad ng floating trash boom na hinihila ng dredger para malinis ang estero.
Sa pag-iinspeksyon ni DPWH Secretary Vince Dizon, sinabi nito na para sa kanya ay matatawag na itong garbage crisis.
