dzme1530.ph

NBI DIRECTOR MELVIN MATIBAG, ITINANGGING MAY MANSYON SA AMERIKA

Loading

Itinanggi ni NBI Director Melvin Matibag ang alegasyon na mayroon siyang mansyon sa Amerika, sa pagsasabing halos kapareho niya ng pangalan ang may-ari nito.
 
Sa press conference, sinabi ni Matibag na magkaiba sila ng middle initials ng may-ari ng naturang mansyon.
 
Binigyang-diin ng NBI Director na wala siyang properties sa abroad at lahat ng kanyang ari-arian ay naka-deklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).
 
Tinawag din nito na “totally fake news” ang nasabing akusasyon.
 
Naniniwala ang NBI chief na layunin ng alegasyon na sirain ang kanyang kredibilidad bilang witness ng House Prosecution Panel sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

About The Author