dzme1530.ph

QUEZON CITY GOVERNMENT, SINUSPINDE ANG KLASE SA LAHAT NG ANTAS SA LUNES PARA SA SONA; LIQUOR BAN, IPATUTUPAD

Loading

Sinuspinde ng Quezon City Government ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lunes, July 27, kaugnay ng ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
 
Layunin ng suspensiyon na mabigyan ang mga residente ng lungsod ng pagkakataong mapakinggan ang SONA ng Pangulo at maiwasang maipit sa matinding trapiko.
 
Nagpatupad din ang pamahalaang lungsod ng liquor ban simula 12:00 a.m. hanggang 6:00 p.m. sa Lunes upang matiyak ang kapayapaan at seguridad sa araw ng taunang talumpati ng Pangulo.
 
Una nang inihayag ng Philippine National Police (PNP) na magde-deploy ito ng 24,000 police officers upang magpanatili ng seguridad sa SONA.
 
Samantala, ilang grupo na rin ang nag-anunsyo ng kanilang planong kilos-protesta, na inaasahang dadaluhan ng libu-libong raliyista na magtitipon sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

About The Author