![]()
Nagbabala ang Office of Civil Defense (OCD) na nasa 6,900 barangay sa buong bansa ang nahaharap sa matinding panganib ng pagbaha at landslides sa susunod na tatlong araw dahil sa Tropical Depression Kiyapo.
Huling namataan ang bagyo kaninang 11:00 a.m., 875 kilometro silangan ng Northern Luzon, at inaasahang lalakas ito bilang tropical storm, ayon sa PAGASA.
Batay sa listahan ng hazard-prone areas ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamaraming barangay na madaling maapektuhan ng landslides at pagbaha, na umaabot sa 1,359.
Sumunod ang Region I na may 1,142 barangay, Region VII na may 861, at Region X na may 857.
Pinayuhan ng OCD ang publiko na manatiling alerto at gawin ang mga kinakailangang paghahanda, lalo na ang mga naninirahan sa mga mabababang lugar at iba pang hazard-prone areas.
