dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS, NAIS I-RESET ANG RELASYON NG PILIPINAS AT CHINA

Loading

Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-reset ang relasyon ng Pilipinas at China kasunod ng pinakahuling engkuwentro sa Ayungin Shoal na ikinasugat ng isang personnel ng Philippine Navy.
 
Ginawa ng Palasyo ang pahayag matapos ipatawag ni Pangulong Marcos si Chinese Ambassador Jing Quan upang talakayin ang patuloy na pagkabahala ng Pilipinas sa umano’y panghihimasok ng China sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.
 
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na nais ng Pangulo na hindi na maulit ang naturang pangyayari at ma-reset ang ugnayan ng Pilipinas at China sa kabila ng mga isyu sa pagitan ng dalawang bansa.
 
Idinagdag ni Castro na nagtapos nang cordially ang pulong nina Pangulong Marcos at Ambassador Jing, na tumagal ng isang oras at dalawampung minuto.
 
Ayon pa kay Castro, kapwa nakangiti ang dalawa matapos ang kanilang pagpupulong.

About The Author