![]()
Nagbigay ng libreng sakay ang Department of Transportation at iba pang ahensya ng gobyerno para sa mga apektadong commuter ng transport strike.
Ipinatutupad ang free rides mula 7 a.m. hanggang 10 a.m. at 5 p.m. hanggang 8 p.m.
Saklaw nito ang mga rutang:
- Welcome Rotonda hanggang Fairview at vice versa
- Recto hanggang Cubao via Nagtahan at vice versa
- Quiapo hanggang Cubao via E. Rodriguez at vice versa
- Quiapo hanggang Fairview at vice versa
- Kalentong hanggang Pasig Palengke at vice versa; at
- PITX hanggang Lawton at vice versa
Ayon sa DOTr, ang libreng sakay ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang matiyak na may masasakyan pa rin ang mga commuter sa gitna ng transport strike.
Inilunsad ng transport group na Manibela ang dalawang araw na transport strike sa gitna ng serye ng oil price hike.
