![]()
Tatagal sa buong impeachment trial ang admonishment o pagpapaalala ni Impeachment Court Presiding Officer kay NBI Director Melvin Matibag laban sa paglalabas ng anumang pahayag na makaaapekto sa integridad ng sinumang senator judge.
Ito ang nilinaw ni Impeachment Court Spokesman Atty. Reginald Tongol kasabay ng paggiit na hindi naman ito maituturing na pag-order laban kay Matibag.
Sinabi ni Tongol na layunin ng admonishment na maiwasan ang mga pahayag na posibleng makasira sa Impeachment Court, subalit maaari naman aniyang ilabas ang mga impormasyon kung may kinalaman sa imbestigasyon na may sapat nang batayan.
Samantala, tiniyak ni Tongol na hindi naman makakadulot ng delay sa impeachment proceedings ang pagbabago sa schedule ng impeachment trial dahil kadalasan naman aniya ay hanggang limang oras lamang talaga tumatagal ang pagdinig.
Simula sa July 29, itatakda na ang impeachment trial mula 10 a.m. hanggang 3 p.m., Lunes hanggang Miyerkules, habang 4 p.m. naman ang regular session ng Senado.
