dzme1530.ph

DALAWANG ARAW NA TRANSPORT STRIKE, UMARANGKADA NA

Loading

Umarangkada na ang dalawang araw na transport strike ng transport group na Manibela dahil sa serye ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
 
Bukod dito, inaalmahan din ng transport group ang kabiguan ng gobyerno na ipatupad ang fare increase para sa public utility jeepneys.
 
Ayon sa grupo, nasa 100,000 na public utility vehicles mula sa iba’t ibang transport sectors ang inaasahang makikiisa sa strike.
 
Sinabi ni Manibela President Mar Valbuena, 5 a.m. kaninang umaga nang huminto na sa operasyon ang ilang tsuper at simula ngayong 7 a.m. ay itatayo na sa Philcoa sa Quezon City ang kanilang strike center.
 
Plano rin ng grupo na magmartsa hanggang sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board office upang maghain sila ng petisyon para sa hiling na dalawang pisong dagdag-pasahe sa pampasaherong jeep.

About The Author