![]()
Inanunsyo ng Houthis ng Yemen ang pagpapatupad ng “maritime embargo” laban sa Saudi Arabia.
Sinabi ng military spokesperson ng grupong suportado ng Iran na agad nilang sisimulan ang hakbang bilang ganti sa Saudi blockade sa mga port at paliparan sa hilagang-kanlurang Yemen na kontrolado ng Houthis.
Kaunting detalye lamang ang ibinahagi ng tagapagsalita, ngunit sinabi ng isang Houthi media official na isasara nila sa mga barko ng Saudi Arabia ang Bab al-Mandab Strait, ang timog na lagusan ng Red Sea.
Samantala, kinondena ng Ministry of Foreign Affairs ng Saudi Arabia ang naturang plano at tiniyak na gagawin nila ang lahat ng kinakailangang hakbang upang maprotektahan ang kanilang mga barko, alinsunod sa international law.
