dzme1530.ph

DEFENSE TEAM, MALAYANG MAGPASAKLOLO SA SUPREME COURT PARA IDULOG ANG DESISYON NG IMPEACHMENT COURT

Loading

Hindi nababahala si House Prosecutor Rep. Leila de Lima kung idudulog ng defense team sa Korte Suprema ang desisyon ng Senate Impeachment Court na payagan ang subpoena para sa financial at tax records ni Vice President Sara Duterte at Atty. Mans Carpio.
 
Ayon kay De Lima, malaya ang depensa na magsampa ng petisyon, tulad ng ginawa sa mga nakaraang pagkakataon. Gayunman, sinabi niyang sa ilang naunang petisyon ay wala namang naibigay na temporary restraining order (TRO).
 
Inamin din niyang inaasahan na ng prosekusyon ang ganitong hakbang kaya pinaghandaan na nila ito.
 
Sakaling umabot ang usapin sa Korte Suprema, sinabi ni De Lima na ang Office of the Solicitor General (OSG) ang kakatawan sa House prosecution.
 
Iginiit naman ng prosekusyon na nananatiling mas superior ang constitutional authority ng Impeachment Court sa pagdinig ng kaso.
 
Dagdag pa niya, dahil nasa yugto na ng paglilitis ang impeachment proceedings, ang pananaw ng prosekusyon ay may eksklusibong kapangyarihan na ang Impeachment Court na litisin at magpasya sa kaso.

About The Author